Bulacan Ecozone Law, palalakasin ang GDP ng mahigit 100 billion pesos kada taon – kongresista

Pinasalamatan ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda si Pangulong Bongbong Marcos matapos maisabatas ang Republic Act 11999 o ang “Bulacan Special Economic Zone Freeport”.

Ayon kay Salceda, inaasahang mapalalakas ang gross domestic product o GDP ng bansa ng hindi bababa sa 130 billion pesos kada taon at gross export potential na aabot sa 200 billion US Dollars.

Nakikita rin ni Salceda na papalo ang land value sa 226 billion pesos bukod pa sa income at property taxes.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Umaasa ito na maraming investors ang magsisimulang mamuhunan hindi pa man natatapos ang konstruksyon ng bagong international airport sa Bulacan dahil magiging interesado sila sa logictics chains.

Dagdag pa ng kongresista, ang Bulacan Airport ang magiging pinakamalaking investment sa Pilipinas kaya kailangang palibutan ito ng planadong ecozone kung saan maaaring magtayo ng export industries.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa lahat aniya ng mga probinsyang katabi ng Metro Manila ay Bulacan ang maituturing na “underinvested” o masyadong mababa ang investments gayong ito ang nag-uugnay sa Maynila at sa Clark.

Binanggit ni Salceda na maraming pinagdaanan ang bagong batas dahil na-veto na ang unang bersyon noong 18th Congress at sumailalim sa masusing pag-aaral kasama ang environmental agencies na nangangamba sa isyu ng pagbaha.