Ex-mayor Mabilog – handa tumestigo sa ICC

Handa umanong timestigo si dating Iloilo City mayor Jed Mabilog sa International Criminal Court (ICC) para sa mga isyung may kinalaman sa iligal na droga, at ang ‘di umano’y mga state-sanctioned killings ng nagdaang administrasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Mabilog na handa siyang lumipad sa kung saan para lamang sabihin ang mga katotohanan.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Muli naman siyang nanindigang na wala siyang kinalaman sa iligal na droga kahit na napabilang pa siya sa sinasabing ‘narco list’.

Sa katunayan, hanggang ngayon ay wala pa rin daw kasong may kinalaman sa illegal drugs na isinampa laban sa kaniya.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Kung maaalala – sa pagdinig ng Quad Comm kahapon, emosyunal niyang ibinahagi ang mga karanasan niya, pati na rin ang ‘di umano’y pamimilit sa kaniya na idiin sina dating Interior secretary Mar Roxas at dating senador Frank Drilon sa iligal na droga.