Bagyo, Habagat death toll: 24

Nadagdagan pa ng isa ang napaulat na nasawi dahil sa magkakasunod na bagyong Ferdie, Gener, Helen at ng pinalakas nitong habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 24 bilang ng mga nasawi mula sa MIMAROPA na may siyam; Region VI o Western Visayas sa lima; apat sa Region IX o Zamboanga Peninsula; at dalawa mula sa Region VII o Central Visayas.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Samantala, 14 naman ang missing, at 13 ang injured.

Nilinaw ng NDRRMC na ang bilang ay sasailalim pa sa validation.

Nadagdagan din ang bilang ng mga indibidwal na naaapektuhan ng sama ng panahon at pumalo na ito sa 1.3 million.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

40,551 o katumbas ng 10,310 families pa ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuations centers.

Ayon sa NDRRMC, mayroon nang halos P40million na tulong ang naipamahagi ng pamahalaan sa m,ga apektadong pamilya na kinabibilang ng financial, food at non-food items.