Ex-husband ni Britney Spears, sinampahan ng kaso matapos ang ‘gatecrash’ incident

Sinampahan ng korte sa United States ng felony count ang ex-husband ni Britney Spears na si Jason Allen Alexander.

Ito’y matapos ang ‘gatecrash’ incident sa kasal ng pop princess at ng karelasyon ngayon na si Sam Asghari kung saan naka-livestream ang pagpasok ni Alexander sa venue sa mismong Instagram account nito.

Ayon sa Ventura County’s court, bukod sa felony count of stalking ay sinampahan din ang dating asawa ni Spears ng misdemeanors counts of trespassing, vandalism at battery.

Samantala, nasa 100,000 dollars ang piyansa na hinatol sa kanya kung saan didinigin ang kaso sa susunod na Miyerkules. (ARGIE ERGINA)