Excited ang aktor na si Rocco Nacino at ang kanyang asawang volleyball star na si Melissa Gohing para sa kanilang baby boy.
Sa Instagram account ni Nacino, nagpasalamat siya sa kanilang mga kaibigan at kapamilya lalo na sa mga kapatid niya at ng kanyang asawa na nag-organize ng surprise baby shower.

Pinasalamatan din ni Gohing ang ilang kaanak at kaibigan nila na dumalo sa naturang zoom party.
Samantala, ikinasal ang dalawa noong January 2021 matapos maging engaged noong 2020.
(ARGIE ERGINA)