Vaccine Expert Panel, nanawagan na bakunahan ng 2nd booster shot ang mga may sakit

Nanawagan ang Covid-19 Vaccine Expert Panel na bakunahan ng 2nd booster shot ang mga may sakit kahit hindi umano sila nakalista sa mga immunocompromised patients.

Ayon kay Vaccine Expert Panel Head Nina Gloriani, humihina umano ang immune system ng isang pasyente depende sa sakit nito.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Matatandaang maliban sa mga immunocompromised ay tanging senior citizens at health workers pa lang ang pwedeng bakunahan ng second booster shot sa ngayon.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Samantala, nasa 580,000 na ang mga indibidwal na nakatanggap ng naturang bakuna habang nasa 14.6 million na ang nakakuha ng first booster shot. (ARGIE ERGINA)