Ex-deputy spokesperson, naglabas ng mga detalye kaugnay sa PPE purchases ng administrasyong Aquino

Isiniwalat ni Abigail Valte, dating deputy spokesperson ng adminsitrasyong Aquino, ang mga detalye sa mga nabiling personal protective equipment noong 2016.

Ito ay matapos akusahan ng Palasyo ang dating administrasyon ng pagbili ng PPEs na mas mahal pa kumpara sa mga nakukuwestyon na COVID-19 equipment ngayon na na-procure ng Department of Budget and Management.

Base sa purchase order na ibinahagi ni Valte sa kaniyang Facebook post ay makikita na kasama sa nabiling 3,750 PPE’s ng gobyerno noong June 23, 2016 ang goggles, gloves, plastic shoe covers, coveralls, surgical gloves, N95 face masks, surgical maskss, at head caps.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Ang bawat set ay nagkakahalaga ng P3,864, at covered rin ito ng one-year warranty.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Inihayag rin ni Valte sa kaniyang post na sinadya niyang i-crop ang mga signatories sa mga dokumento na kaniyang ibinahagi upang makaiwas sa mga fraudsters.

Matatandaan noong 2020 ay inaward ng gobyerno ang P8.7-billion na halaga ng mga kontrata sa isang hindi kilalang kompanya na gumagamit ng pekeng mga addresses para sa procurement ng face masks, personal protective equipment (PPE) sets, at COVID-19 test kits.