Aktibong kaso ng COVID-19 sa Albay muling sumirit simula sa huling linggo ng Agosto

BICOL—Matapos ang halos isang buwang downward trend sa kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay ay muli itong sumirit sa pagtatapos ng Agosto hanggang sa pagpasok ng Setyembre.

Base sa daily case tally, nagsimula ang mataas na kaso noong huling linggo ng Agosto kung saan unang naitala ang lagpas 20 kaso noong Agosto 25.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sinundan ito ng 33 noong August 26, umabot naman sa 37 ang daily case noong August 28, 29 noong September 2 at 35 kahapon.

Bunsod nito ay sumipa rin ang aktibong kaso ng sakit mula sa 299 noong August 25 patungo sa 494 nitong Setyembre 3. Ang lungsod ng Ligao ang nagtala ng pinakamataas na kaso kahapon na nasa 15.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa kabuuan ay pumalo na sa 5,474 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit sa Albay.

4,756 na ang gumaling habang 224 ang mga nasawi. Ito ay sa gitna na rin ng pagkakatala ng record high ng kaso ng sakit sa buong Bicol na umabot sa 429.###