Kinumpirma ng Food and Drugs Administration dito sa Pilipinas na pinagsusumite na nila ang kumpanyang Pfizer ng mga requirements para sa product registration ng kanilang bakuna laban sa COVID-19
Ginawa ng FDA ang pahayag matapos ang report na binigyan na ng US FDA ang Pfizer vaccine ng full approval.
Ibig sabihin, ‘commercially available’ na ang bakuna matapos makita ang long term na safety at efficacy ay acceptable.
Ayon kay FDA Director Usec. Eric Domingo kapag makakuha na ng Certificate of Product Registration Pfizer maaari na itong maibenta sa mga botika, sa mga ospital, i-reseta ng doktor at magiging accessible na rin ito sa mga private sector.
Inihayag naman ni Domngo na sinabi ng Pfizer na pinag-uusapan pa sa kanilang headquarters kung kailan mag-a-apply ng mga registration sa iba’t-ibang mga bansa katulad ng Pilipinas.
Nabatid na sa America inaprubahan ang Pfizer vaccine para sa 16 anyos pataas habang may EUA naman ito para sa mga 12 hangang 15 taong-gulang.
