Ex-cop na pumatay mag-inang Gregorio sa Tarlac, hinatulan ng reclusion perpetua

Hinatulan ng Tarlac Regional Trial Court si dating police officer Jonel Nuezca ng guilty para sa dalawang counts ng murder kaugnay sa madugong pamamaril sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony sa Tarlac noong Dec. 20, 2020.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Dahil dito si Nuezca ay mahaharap sa penalidad na reclusion perpetua para sa bawat kaso at pinagbabayad ng korte ng P952,560 o P476,280 na danyos sa pamilya ni Sonya at isa pang P476,280 para naman sa pamilya ni Frank Anthony.

Matatandaan na ang pagpatay ay mag-ina ay nakunanan ng video at nag-viral sa social media, dahilan para umani ng malawakang pagkondena.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Noong Enero, nagpasok si Nuezca ng not guilty plea para sa dalawang counts ng murder. // MHEL PACIA-TRINIDAD