Hindi na natapos pa ng magkasintahan ang kanilang pagkakape sa isang bakery sa Sitio Zapanta, Barangay Tejero, Cebu City matapos may dumating na armado at binaril ang lalaki.
Nangyari ang insedente alas 04:05 ng madaling araw ng Sabado, Agosto 17, 2024.
Ang biktima na si Alyas Dodong, 44-anyos, resiente ng Sitio Riverside ng nasabing barangay ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang pisngi at kaagad naman na isinugod sa ospital.
Ayon sa baker na si Rebecca, sinabi nito na regular customer nila ang magkasintahan at pagkakita umano nya na may armadong lalaki ang lumapit sa mga ito dali-dali na syang nagtago sa loob ng cr at nakarinig ng nasa tatlong putok ng baril.
Nakuha ng SOCO sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng kalibre 45 na armas.
Sinabi naman ng kasintahan ni Alyas Dodong, na wala silang nakaaway .
Napag-alaman na kakalaya lang ng biktima last year matapos ang sampung taong pagkakakulong dahil sa kasong murder.
Patuloy ang imbestigasyon ng Waterfront Police Station.