UMANI ng negatibong reaksyon ang video na binahagi ng isang netizen kaugnay sa isang daan na pinagbubutas sa kabila sa maayos nitong kondisyon.
Sa naturang video, mapapansing maayos pa ang kalagayan ng daan na binutasan gamit ang hydraulic breaker at kinumpara ito sa isang daan na halos hindi na madanaan ng mga sasakyan dahil sa lumilitaw na ang mga bato at nagmistulang tuyot na sapa.
Komento ng ilang mga netizens, normal na ito sa Pilipinas sapagkat maraming pondo para sa pagpapaayos ng daan, yun nga lang hindi napapansin ang napakaraming mga lansangan na nangangailangan ng repair at rehabilitasyon.
Kayat Hindi na umano ito nakapagtataka. Hindi naman tinukoy ng uploader kung saang lugar ito nangyari.
Ang ganitong eksena ay naging malaking usapin sa pagitan ng Department of Public Works and Highways-XI at alkalde ng Davao City.
Itoy matapos punain ng alkalde ng lungsod ang panay kumpuni ng ahensya sa mga maayos na daan habang may maraming mga lansangan na nangangailangan ng repair ang tila hindi pinapansin at pinabayaan lang ng tanggapan.