Nagmungkahi ng bagong sanctions si European Commission President Ursula von der Leyen laban sa Russia kaugnay sa giyera laban sa Ukraine, kabilang na ang dagdag pang trade restrictions, individual blacklistings at oil price cap para sa mga third countries.
Ang proposal ay ipapasa na ngayon sa 27 member countries ng bloc, na kailangan para mapag-usapan ang mga differences sa bagong sanctions at maabot ang unanimity para maipatupad ito.
Ayon kay von der Leyen, na hindi nila tatanggapin ang sham referenda o anumang uri ng annexation sa Ukraine.
Dahil dito, determinado umano sila na papagbayarin ang Kremlin para sa naturang escalation.
Una nito, nanawagan ang senior economic adviser ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy sa EU na putulin ang money flows sa Russia mula sa fossil fuel sales.
Samantala, ang G7 group ng industrialized countries, kung saan ang mga EU countries gaya ng Italy, France at Germany ay miyembro rin, ay pumayag na na maglagay ng oil price cap via insurers.
