North Korea, nagpaputok ng unidentified ballistic missile — Seoul’s military

Kinumpirma ng militar ng  Seoul na nagpapautok umano ang North Korea ng hindi matukoy na ballistic missile sa East Sea, ilang araw matapos ang kanilang huling isinagawang test at bago ang nakatakdang pagbisita sa South Korea ni US Vice President Kamala Harris.

Kaugnay nito, kinumprima rin ng Japan’s coast guard ang posibleng ballistic missile na inilunsad, batay sa impormasyon mula sa Tokyo’s defense ministry, at binalaan ang mga barko na maging aware nito.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ang paglulunsad ay bahagi ng record-breaking blitz ng weapons tests ngayong taon ng North Korea.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ito rin ay matapos magbabala ang Seoul’s spy agency na malapit na umanong magsagawa ang Pyongyang ng isa pang nuclear test.

Batay sa report, tila nakompleto na umano ng North ang third tunnel sa kanilang Punggye-ri nuclear site.