Kinumpirma ng Ethiopia na sila ang nasa likod ng airstrike sa capital ng conflict-driven Tigray region kung saan target ang mga communication at weapons facility ng mga rebelde.
Ito ay matapos lamang ang ilang oras na pagtanggi na sila ang nagsagawa ng deadly raids sa lugar.

Una nang sinabi ni Government spokesman Legesse Tulu na hindi bobombahin ng kanilang gobyerno ang sarili nitong siyudad.
Itinuro din ni Tulu ang mga rebelde na siyang nagsagawa ng mga pag-atake kung saan umabot sa 30 sibilyan ang nasawi.
Matatandaan na hanggang ngayon ay tensyunado pa rin sa Ethiopia kung saan libu-libo ang nasawi, ilang milyon ang napilitang iwanan ang kanilang tahanan habang marami ang nagugutom.
Inakusahan din mga sibilyan ang kanilang gobyerno na hinaharangan ang mga papasok sanang humanitarian aide sa mga nagugutom na sibilyan.