Estudyante sa Tabuk City, Kalinga, patay sa aksidente

Nasawi ang isang estudyante matapos ang vehicular accident na naganap kahapon, ikalawa ng Hunyo taong kasalukuyan sa Capitol Hills sa Tabuk City, Kalinga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Tabuk City Police Station, sinusundan ng drayber ng motorsiklo na kinilalang si Eric Caldingin, 21-anyos ang isang Mitsubishi Adventure na nasa likod naman ng isang traysikel.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay biglaang huminto ang traysikel na sinusundan ng Mitsubishi Adventure upang kumuha ng kaniyang pasahero.

Dahil dito, agarang nagpreno ang drayber ng sasakyan na nagresulta upang bumangga ang motorsiklong minamaneho ni Caldingin sa kanang rear taillight ng sasakyan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sa lakas ng impact ay tumilapon si Caldingin na nagsanhi upang magtamo ito ng major injury kung saan sinubukan pa itong i-revive subalit binawian din ng buhay.