Kinumpirma ni si Senate President Chiz Escudero na kung siya ang tatanungin, hindi basta-basta makalulusot sa Senado ang SOGIE Bill, ‘o ‘yung panukala para sa proteksyon ng Sexual Orientation, Gender Identity and Expression.
Ngayong Pride Month – sinabi ni Escudero na marami pa raw kasing mga amendments na kinakailangan na mapagkasunduan sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Hanggat ‘di raw ito napagbibigyan ay tiyak na daraan pa ito sa butas ng karayom.
Sabi ni Escudero, naniniwala siyang mas may tiyansa pang makapasa ngayong taon ang Anti-Discrimination Bill.
Bago ito – una nang umapela si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na ipasa na ang ni-refile niyang Senate Bill para sa SOGIESC Equality Bill.