690 na pamilyang apektado ng sagupaan sa Cagayan, inabutan ng tulong pinansyal

Inabutan ng tulong pinansyal ang 690 na residente ng Peñablanca, Cagayan na binubuo ng 2, 765 na indibidwal na naapektuhan kamakailan ng nangyaring sagupaan sa pagitan ng kasundaluhan at NPA.

Personal na iniabot ni Regional Director Lucia Suyu-Alan ang tig-P5, 000 bawat pamilya na tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Inihayag ng opisyal na ang inisyatibong ito ay bilang bahagi ng direktiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na mabigyan ng agarang tulong ang mga naapektuhang pamilya.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ngayon ay umabot na sa P3, 450, 000 na tulong pinansyal ang naipamahagi sa 645 na pamilya sa Barangay Lapi at 45 na pamilya sa Barangay Minanga.