Estudyante sa Echague, Isabela, nasawi sa aksidente

Nasawi ang isang estudyante matapos aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang SUV kahapon sa Barangay San Fabian, Echague, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Mark Anthony Bermudez, 23-anyos at residente ng Barangay Gumabauan habang ang drayber naman ng SUV ay kinilalang si Larry Binuya, 48-anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Echague Police Station, tinatahak ng motorsiklong minamaneho ni Bermudez at SUV na minamaneho ni Binuya ang magkasalungat na direksyon.

Kaugnay nito, nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay akmang papaliko ang SUV nang sumalpok ang motorsiklong minamaneho ng estudyante.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang estudyante na agad dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng sumuring doctor habang ligtas naman ang drayber ng SUV.

Sa ngayon ay nagkaayos na ang magkabilang panig at hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng estudyanteng nasawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *