Bagong provincial director ng Pampanga Police Provincial Office, ipinag-utos ang malawakang crackdown sa mga POGO

Ipinag-utos ng bagong provincial director ng Pampanga Police Provincial Office ang malawakang crackdown laban sa mga Philippine offshore gaming operators.

Inatasan din ni Provincial Director PCol Jay Dimaandal ang lahat ng hepe ng 21 munisipalidad at syudad sa buong Pampanga na magsagawa ng inspeksyon sa lahat ng compound.

Ayon kay Dimaandal, ang inspection ay isasagawa sa koordinasyon sa mga local government units.

Maaari aniyang gamitin ang bisa ng police visatation ng pulisya at ang karapatan ng LGU na mag-inspect sa lahat ng mga commercial establishment sa kani-kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *