Estudyante at isa pang lalaki, timbog sa buy-bust sa Lucena City; Mahigit 120k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat

Timbog ang isang lalaki at ang kasama nito na isang estudyante matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Purok Bagong Masagana, Barangay Cotta, Lucena City nitong Sabado, Abril 22.

Ayon sa report, pasado alas 7:00 ng umaga isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Edwin Manalo, alyas “Edwin”, 39-anyos at Christian Torres, 19-anyos, pawang mga residente ng naturang lugar.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa gitna ng operasyon, nakumpiska mula sa mga ito ang anim (6) na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱120,156.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nasamsam rin ang isang (1) coin purse, isang (1) cellphone at ang 500 peso bill na ginamit bilang buy-bust money.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng mga awtoridad ang dalawang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.