Pope Francis, humiling ng dalangin kay Pope Benedict dahil sa paglala ng kanyang kalusugan

Humihiling ng panalangin si Pope Francis para kay Pope Benedict na ngayon ay 95-taong gulang na dahil sa kanyang lumalalang kalusugan.

Patuloy na sinusubaybayan ng kanyang mga doktor si Pope Benedict.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Ayon sa tagapagsalita ng Vatican na si Matteo Bruni, binisita ito ni Pope Francis sa Mater Ecclesiae monastery isa Vatican City.

Noong 2013, ginulat ni Pope Benedict XVI ang mundo sa pamamagitan pagbitiw sa kanyang posisyon, na binanggit ang “advanced age.”

Read More:  Ebola cases in Congo surpass 10,000 amid worsening outbreak

Ang anunsyo ni Benedict ay minarkahan ang unang pagkakataon na bumaba sa puwesto ang isang papa sa loob ng halos 600 taon.