Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension ni Energy Regulatory Commission Chairperson Monalisa Dimalanta.
Ang suspension without pay na ito ay kasunod ng reklamong inihain ng National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (NASECORE).
Ayon sa Ombudsman, ang ebidensyang nagpapakitang guilty si Dimalanta ay matibay.
Samantala, sinabi naman ni Dimalanta na hindi pa sila nakatatanggap ng kopya ng naturang suspensyon kaya hindi pa sila makapagbibigay ng komento hinggil dito sa ngayon.