Pagbaba ng inflation rate, inaasahang mapakikinabangan ng households at mga negosyo – NEDA

Inaasahan na makikinabang nang malaki ang mga negosyo at households sa patuloy na pagbagal ng inflation at stable na presyo ng mga bilihin

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, Makikinabang din nito ang low-income households sa pagbaba ng food inflation.

Makahihikayat din ito ng investments at business expansion.

Tiniyak naman ng NEDA ang kahandaan ng gobyerno sa mga posibleng maka-apekto sa inflation tulad ng nagbabadyang la niña at matinding pagbaha.

Ayon sa Philippine Statistics Authority , bumaba sa 3.3% ang inflation rate para sa buwan ng Agosto, mula sa 4.4% noong Hulyo.