Binigyang diin ng Department of Health na makikita lamang ang mga epekto ng paglalagay ng National Capital Region (NCR) at ng 38 iba pang lugar sa Alert Level 1 sa gitna ng COVID-19 pandemic, pagakatapos ng 10-14 na araw na implementasyon nito.
Inihayag ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing sa Palasyo.
Kaugnay nito ay sinabi rin ni Vergeire na ang updates kaugnay sa compliance ng publiko sa minimum public health standards sa unang araw ng implementasyon ng Alert Level 1 ay maaring malaman na sa Miyerkules.
Mababatid na nalagay sa Alert Level 1 ang 39 na lugar, na pinakamababa sa ilalim ng bagong alert level system.
Sa ilalim ng Alert Level 1 ay pinapayagan na ang intrazonal at interzonal travel nang hindi na inaalam ang edad at comorbidities ng mga indibidwal.
Pinapayagan rin ang mga establishimyento, mga tao, o atibidad na mag-operate, magtrabaho, o pumasok on-site at magamit ang full seating capacity nito, basta’t alinsunod pa rin sa minimum public health standards.
