Walang nakikita ang Department of Health na pagkapal sa bilang ng COVID-19 infections sa bansa mula nang mag-umpisa ang campaign period para sa national candidates at party-list groups noong maagang bahagi ng Pebrero.
Sinabi ni Vergeire na mas nakita nila sa lahat ng mga lugar sa bansa na nagpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso.
Iginiit ni Vergeire na naka-classify na ang lahat ng mga lugar sa bansa bilang minimal hanggang low risk sa COVID-19, maliban sa dalawang iba pa na may moderate intensive care unit (ICU) utilization rate.
Matatandaan na nagsimula ang campaign period para sa mga national candidates noong February 8, sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Mababatid na magsisimula naman ang campaign period ng mga kakandidato para sa House of Representatives at iba pang local elective posts sa March 25, 2022 hanggang May 7, 2022.
Dahil sa COVID-19, ay ipinagbabawal sa mga kandidato na makipagkamay sa mga botante, o gumawa ng kahit anong aksyon na mangangailangan ng physical contact sa gitna ng campaign period.
