NAGA CITY- Ikinatuwa ng marami ang boluntaryong pagsusuot ng facemask sa open areas. Pinapayagan na kasi ng Malacañang ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa non-crowded, outdoor settings.
Sa bisa ito ng Executive Order No. 3 na pinirmahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr., pero ang mga senior citizens, immunocompromised individuals at hindi bakunado ay hinihikayat pa ring magsuot ng facemask.
Para sa pandesal vendor na si Arnel Imperial , mabuti na ito dahil naso- suffocate na siya at magastos rin ang naturang isa COVID-19 protection.
Ang dalanghita vendor na si Rex Rivera naman sinabing tama lamang ang desisyon dahil marami na ang bakunado.
Kung maoobserbahan, matagal na itong ginagawa ng mga Pinoy, matagal na kasing naniniwalang wala nang COVID-19.