NASA 1,258 DAYCARE PUPILS  MULA SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN AT CAPALONGA NABENEPISYUHAN NG SCHOOL SUPPLIES SA ILALIM NG PROGRAMANG UNANG HAKBANG TUNGO SA MAGANDANG KINABUKASAN

CAMARINES NORTE- Nasa 1,258 daycare pupils mula sa mga bayan ng Jose Panganiban at Capalonga ang nabenepisyuhan ng school bags at iba pang kagamitan sa pagaaral

Dahil ito sa muling pagarangkada ng programang Unang Hakbang Tungo sa Magandang Kinabukasan bilang tugon ni Congresswoman Josie Baning Tallado sa pagbubukas ng klase ng mga daycare pupils ngayong taong 2022

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Ang mga school bags ay naglalaman mga kagamitan sa pagaaral tulad ng gunting, lapis, pambura, sharper o pantasa, crayola at papel

Sa bayan ng Jose Panganiban ay nasa 658 pupils ang nabenepisyuhan mula sa 14 na daycare centers

Habang sa bayan ng Capalonga ay 600 pupils ang nabenepisyuhan mula sa 7 day care centers

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Una ng nakatanggap ang Daycare Workers ng Malasugui, Fundado at Macogon sa bayan ng Labo na isinabay sa Blessing and Turn Over Ceremony ng proyektong Multi Purpose Building ng kanilang mga barangay.

layunin nito na makatulong sa bawat magulang para sa kanilang mga anak pagdating sa mga gamit eskwela.