COVID-19 vaccination cards, hindi na required sa pagpasok sa malls na saklaw ng Alert Level 1

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government na hindi na required ang COVID-19 vaccination cards sa mga pumapasok sa malls kapag matatagpuan ang mga ito sa mga lugar na naka sailalim sa Alert Level 1.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ipinunto ni DILG spokesperson Jonathan Malaya na required lamang ang vaccination cards sa mga establishimyento na itinuturing na 3Cs o ang closed, crowded, at close-contact venues.

Ilan lamang sa mga lugar na maituturing na pasok sa 3Cs ay ang restaurants, spas, at mga sinehan.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Tiniyak naman ni Malaya na sasabihan ng DILG ang mga local government units para maging malinaw ang lahat.