Inaasahan ng Gobyerno ng Pilipinas na makukumpleto na nila ang reklamong ihahain laban sa China.
Hinggil ito sa pagkasira sa kalikasang idinulot ng China sa ating mga corals at bahura sa bahagi ng Sabina o Escoda Shoal.
Partikular na rito ang mga itinambak na patay na corals, at pinaniniwalaang pundasyon para sa isang artificial island.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Justice spokesperson Asec. Mico Clavano na maaaring maihain na ang environmental case sa mga susuno na linggo.
Sabi ni Clavano, kinukumpleto na ng DOJ at ng Office of the Solicitor General ang mga kinakailangang ebidensya.
Maaalalang bago nadiskubre ang mga itinambak na patay na corals sa Sabina Shoal, unang na-monitor ang kaparehong aktibidad ng China sa Sandy Cays.