Patay ang isang lalaki matapos sumalpok sa gutter ang minamaneho nitong motor sa Barangay Guinhawa, Quezon, Quezon nitong Miyerkules, Mayo 29.



Ayon sa report, binabagtas noon ng motor na minamaneho ni alyas “Junell’, 35-anyos ang direksyon patungo sa Alabat, Quezon nang mawalan umano ng kontrol sa manibela at nag-overshoot na nagresulta naman sa pagsalpok nito sa gutter.
Nagtamo ng matinding injury sa ulo ang drayber kung kaya isinugod ito sa hospital subalit idineklara ring dead on arrival.
Samantala, nasa pangangalaga na ng pamilya ang mga labi ng nasabing drayber.