Engkwentro sa pagitan ng Army at NPA sa Masbate, muli na namang sumiklab

Nagkasagupang muli ang tropa ng Army at aabot sa 9 na miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army madaling araw kahapon, Agosto 30 sa Brgy Guindawahan, Pio V Corpuz, Masbate.

Sa nasabing engkwentro na umbaot sa 10 minutong palitan ng putok, narekober ng tropa ng pamahalaan sa pinangyarihan ang M16 rifle, 3 pirasong magazine assemblies at bandolier.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Nagpapatuloy pa ang pursuit operations habang ang Quick Response Team (QRT) ay inalerto na.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Walang naitalang sugatan sa tropa ng gobyerno habang inaalam pa sa pangkat ng rebelde.

Ang naturang engkwentro ay pang-apat na sa lalawigan nitong buwan ng Agosto lamang.