Enforcer, Arestado sa Imus City, Cavite na nangingikil sa mga Motoristang lumalabag sa batas trapiko

Arestado ang isang enforcer o force multiplier matapos umanong mangikil sa isang motoristang nahuli na lumabag sa batas trapiko sa Barangay 1-c, Imus City, Cavite.

Ayon sa Imus City Police Station, agad silang nagsagawa ng manhunt operation matapos mapaulat sa kanila ang sinasabing pangingikil ng enforcer.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Sa video na ipinadala ng isang concerned citizen sa Cavite Police Provincial, makikita ang suspek na si alyas Rommel na nanghihingi ng tatlong daang pisong pera sa isang motorista.

Naaresto ang suspek at sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga awtoridad at nasampahan na ng kaukulang kaso.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Ayon kay Police LT. Col. Louie Dionglay, hindi nila pinapahintulutan ang mga ganitong uri ng ilegal na gawain.

Kasabay nito ay nanawagan siya sa iba pang posibleng biktima ng robbery na ipagbigay alam sa kanila upang makasuhan.