Tumanggap ng isandaang libong pisong cash gift mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD 4A ang lolang centenarian mula sa bayan ng Lobo, Batangas.
Personal na tinungo kamakailan ng mga kinatawan ng DSWD kasama ang Municipal Social Welfare Development Office at Senior Citizen Affairs ang bahay ni Lola Eugenia Castillo sa Barangay Soloc para iabot ang cash gift.
Kasabay ito ng pagbati kay Lola Eugenia ng isang maligayang kaarawan.
Ang nasabing halaga at pagkilala ay iginawad alinsunod sa RA 10868 o “Centenarian Act of 2016”