Endorsement ni Duterte, makapangyarihan pa rin para sa 2022 elections – Pulse

Naniniwala si Pulse Asia Research director Anna Maria Tabunda na may malakas na epekto ang endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na 2022 elections dahil sa taas ng approval at trust ratings nito.

Ayon kay Tabunda, posibleng maging mas malakas pa ito kung ikukumpara kay dating pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Inihayag rin ni Tabunda na sa palagay niya ay hindi magiging lame duck presidente si Duterte sapagkat nanatiling mataas ang approval at trust ratings nito sa face-to-face surveys na ginawa ng Pulse Asia sa nakalipas na dalawang quaraters.

Ipinunto niya na posible na hindi na sila maglabas ng performance at trust ratings ng Pangulo, dahil hindi naman ito nagbabago.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Anya, ang ilalabas nila ngayon ay pre-election questions at ang mga katanungan na may kinalaman sa naging tugon ng pamahalaan sa pandemya.

Hindi rin nakikita ni Tabunda na makakaapekto sa trust at approval ratings ng Pangulo ang posibleng probe ng International Criminal Court sa drug war.