Employers na hindi nagparehistro ng kanilang negosyo at empleyado, inisyuhan ng show cause order

Inikutan muli ng mga opisyal at empleyado ng SSS Sorsogon Branch ang pitong employers sa bayan ng Bulan na hindi nagparehistro ng kanilang negosyo at empleyado sa SSS.

Kinabibilangan ito ng dalawang Trading, coffees shop, laundry shop, restaurant, glass and aluminum supply at grocery kung saan aabot sa 33 empleyado ang lubos na apektado.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Idiniin ng SSS na ang negosyo ay dapat na nakarehistro sa SSS, anuman ang laki o uri nito, legal na kinakailangan ng bawat employer na irehistro ang kanilang kumpanya at ang kanilang mga kwalipikadong empleyado sa SSS, bilang bahagi ng proseso ng pagpaparehistro ng negosyo. Dito kasi nakabase ang benepisyong makukuha ng mga empleyado tulad ng pension, maternity benefits loan at marami pang iba.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Nagbabala ang SSS na ang pagkabigong irehistro ang isang kumpanya at mga empleyado sa SSS ay maaaring magresulta sa mga parusa, multa at legal na kahihinatnan.

Ang Run Against Contribution Evaders o RACE ay bahagi ng kampanya ng SSS upang mabigyan ng kaukulang proteksyon ang mga manggagawa.