Mga kabataan, nahablotan ng mga cellphone habang nagmo-mobile games

Naitala noong Lunes, July 22, 2024 ng kapulisan ang pagnanakaw ng mga cellphones sa ilang kabataan habang sila’y nasa piso net at naglalaro ng Mobile Legends sa bayan ng Brooke’s Point.

Ayon kay WCPD PNCO Police Master Sergeant Rosbel Baleros, may grupo ng kabataan na biglang lumitaw sa mga piso net habang may mga kabataang naglalaro ng ML at bigla na lamang umanong nanghablot ng kanilang mga cellphones at tumakbo papalayo.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Kaugnayan nito, nagbigay ng babala ang kapulisan na iwasan ang pagtatambay sa mga piso net lalo na sa hating gabi, upang maiwasan ang panganib na mawalan ng cellphone at posibleng masaktan.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Bilang paalala, pinapayuhan ang mga magulang na alamin ang mga aktibidad ng kanilang mga anak, habang inaasahan naman ang pakikipagtulungan ng WCPD sa DSWD sa pagtutok sa mga batang nadadawit sa ganitong insidente.