Empleyado ng gobyerno at mga pribadong sector parehong pwede mag-apply at magclaim ng EC benefits- ECC Bicol

Legazpi City- Inihayag ng Employees Compensation Commision (ECC) Bicol na pwede mag-apply at makapagclaim ng EC benefits ang mga empleyado ng gobyerno at pribadong sector.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Regional Officer ECC REU5 Yvette Bonaventi, ang mga empleyadong nagkasakit, na-aksidente o namatay sa trabaho ay ang mga maaari lamang makakuha ng financial assistance sa nasabing programa.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dagdag pa niya layunin ng programang ito na tumulong sa mga manggagawa kung may mangyari man sa kanila habang nasa trabaho.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aniya dapat siguraduhin umano ng mga nagnanais makakuha ng benepisyo na ang kanilang mga employer ay binabayaran ang kanilang mga kontribusyon sa SSS at GSIS.

Para sa iba pang katanungan at impormasyon, maaari magpadala sa ng mensahe sa kanilang Facebook account na ECC Bicol.