Musk at Zuckerberg, nagkasundong magtuos sa isang cage match

Usap-usapan ngayon ang paghahamunan sa dalawa sa most high-profile billionaires na sina Tesla, SpaceX CEO Elon Musk at Meta Founder Mark Zuckerberg.

Nagsimula ito nang mag react si Elon musk sa isang tweet hinggil sa umano’y plano ng Meta ng pagbuo ng isang application na tatapat sa Twitter.

Ayon kay Musk handa siyang makipagtuos kay Zuckerberg sa isang cage match.

Bagay na sinagot naman ng facebook creator sa kanyang instagram story kung saan ibinahagi niya ang screenshot ng naturang tweet at nilagyan ng caption na “send me location.”

Sa isa pang tweet “Vegas Octagon” ang sinabing lokasyon ni Musk kung saan idinaros ang UFC.

Samantala, sa isang panayam kay UFC president Dana White na seryoso ang dalawang negosyante na kapwa nakausap niya sa telepono.

Sakali aniyang matuloy ito, ito na ang pinakamalaking laban sa kasaysayan ng UFC.