Ancajas, sasabak sa super batamweight fight vs Colombian boxer

Sasabak muli sa boxing ring ang former world junior bantamweight champion na si Jerwin Ancajas sa undercard ng Jade Bornea versus Fernando Martinez IBF title clash sa Armory sa Minneapolis, USA ngayong linggo (oras sa Pilipinas).

Naghahanap ng win #34 laban kay Wilner Soto ng Colombia si Jerwin matapos ang magkasunod na naging talo noong nakaraang taon.

Si Ancajas, na may 33-3-2 at 22 knockouts , ay natalo sa kamay ni Martinez noong nakaraang taon sa pamamagitan ng unanimous decision. Isang rematch ang naganap makalipas ang walong buwan ngunit muli siyang natalo.

Sa isang panayam, sinabi ng long time trainer at manager ni Jerwin na si Joven Jimenez na mas kondisyon na ngayon si Ancajas at handang-handa nang makipaglaban.