Eleksyon sa Camarines Norte naging matagumpay at payapang nairaos

CAMARINES NORTE – Naging tahimik, ligtas,  payapa at walang anumang insidenteng naitala sa naganap na halalan nitong Mayo 9, 2022. Sa lalawigan ng Camarnes Norte

Ayon kay Provincial Director, PCOL JULIUS DANAO GUADAMOR, “Sadyang mga disiplinado at reponsable ang bawat CamNorteños kung kya’t nakamit po natin ang isang maayos at mapayapang halalan.

Nagpasalamat rin ang opisyal  sa lahat ng mamamayang CamNorteños sa kanilang pakikiisa sa hangarin ng bawat isa na magkaroon ng “ZERO Election Related Incidents” sa lalawigan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nakamit anya ang isang malinis na halalan dahil sa pakikipagtulungan ng kanilang mga katuwang sa serbisyo, ang mga miyembro ng AFP, BFP at iba pang mga law enforcement agencies, mga barangay officials, force multipliers, mga miyembro advocacy support groups kabilang dito ang mga KKDAT members na talaga namang nagpakita ng dedikasyon upang makapagbigay serbisyo sa nagdaang halalan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Abot-abot rin ang pasasalamat ni Guadamor sa mga media dahil sa kanilang napakalaking ambag sa patas na pagpapaabot ng mga impormasyong  kailangan ng bawat mamamayan sa panahon ng halalan.”

Dagdag pa nito, sa pangkalahatan, ang hangarin ng bawat isa na magkaroon ng Safe, Accurate, Fair and Free Election (SAFE) 2022 ang namayani at maayos na naipatupad sa lalawigan.