Mga artistang ‘Kakampink’ walang pinagsisisihan sa pagsuporta kay VP Leni

Walang pinagsisihan ang mga artista sa kanilang pagsuprta kay Vice President Leni Robredo, matapos na mangulelat ito ngayon sa partial, unofficial vote count ng transparency server ng Comelec.

Mababatid na kaliwat-kanan sa showbiz industry ang sumuporta kay Robredo.

Sa gitna nito, maanghang ang naging pahayag ni Andrea Brillantes sa kaniyang Twitter account nang depensahan ang sarili laban sa mga kritiko.

Ayon kay Brillantes: “Anumang ipukol sa akin, kailanman ay di ko pagsisisihan na ako’y nanindigan. Para ito sa lahat. Para ito sa bayan. Sa huli, isang Pilipinas lang ang ating pinaglalaban.”

May iba naman na hindi pa rin makapaniwala sa naging resulta ng botohan kung saan malaki ang naging agwat nina Marcos at Robredo.

Bagama’t nalulungkot, ginagalang ng ilang artista na sumuporta kay VP Leni ang naging boses ng maraming Pilipino na pumanig kay Marcos at ka-tandem nitong si Sara Duterte-Carpio.