Dumating na ang bagong fire truck ng Candelaria Fire Station sa lalawigan ng Zambales.
Ito ay isang Isuzu Elf Tanker na ibinigay ng Lokal na pamahalaan ng Candelaria sa Fire Station.
Ayon kay SFO2 Mirardo Sebastian, dumating ang fire truck noong nakalipas na May 6.
Nagpasalamat naman ang kanilang opisina sa suporta ng Local Government dahil sa pagbibigay nito na magiging malaki ang pakinabang sa panahon na kinakailangan ng responde.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: BFP R3 Candelaria FS Zambales
