LGU Spending exemption para sa Agaton-hit areas, mamadaliin ng Comelec

Tiniyak ng Commission on Elections na pamamadaliin na nito ang pagbibigay ng exemption sa paggasta ng mga local government units na binayo ng Bagyong Agaton.

Kung matatandaan, mayroon ngayong umiiral na ban sa spending ng mga LGUs dahil sa election season partikular ang campaign period spending ban.

Read More:  10th Infantry Division denies AI-generated image showing support for Bato

Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na maaaring dumulog sa kanilang tanggapan ang isang LGU na kinakailangang gumasta ng pondo para sa kanilang constituents.

Giit ni Garcia, maaari rin nilang i-‘forego’, o ipagpaliban na muna ang hearing para sa exemption lalo na’t kailangan talaga ng pondo ng mga lokal na gobyerno para sa aid ng kanilang mga nasasakupan.

Read More:  Rep. Edgar Erice urges Congress to scrutinize questionable 2027 budget

Bago ito, una nang inaprubahan ng poll body ang exemption ng Department of Social Welfare and Development para sa relief efforts nito.
#