Na re-appoint bilang chairman ng Clark Development Corporation o CDC si dating Angeles city mayor Edgardo Pamintuan o EdPam.
Sa appointment letter na pirmado ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr at may petsang January 11, nakasaad na itinatalaga muli bilang acting chairman, member at board of director ng CDC si EdPam.
Matatandaang February 2021 nang unang ma-appoint bilang chairman ng CDC si Pamintuan, sa panahon noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bago naman matalaga bilang chairman ng CDC, nagsilbi munang alkalde ng Angeles city si Pamintuan.
