NAITALA sa Guinness World of Records ang isang person with disability o PWD sa Ohio, USA na si Zion Clark bilang may pinaka-mabilis na record nang paglalakad sa layong 20 meters gamit ang kanyang mga kamay.
Ayon sa ulat, si Zion ay nakakuha ng kamanghamanghang oras na 4.78 seconds. Sa kabila ng kanyang kalagayan at malungkot na nakaraan si Zion ay nanatili paring positibo ang pag-iisip matindi ang kanyang hangarin na maabot ang bituin ng tagumpay.
Sa kasalukuyan Si Zion ay may goal na nais niyang tuparin at yun ay ang maging kauna-unahang Amerikanong atletang lalahok sa Olympic Wrestling at Paralympic Wheelchair racing na gaganapin sa taong 2024. ###CD