Natanggap na ng nasa labing apat na lokal na magsasaka sa Tarlac City ang kanilang pinansyal na ayuda mula sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.
Nasa kabuaang 73, 302 ang ibinigay ng PCIC na paghahati-hatian ng mga magsasaka.
Ang financial asstistance ay ang bayad umano sa pinsala at pagkalugi sa kanilang tanim at kita dulot ng dumaan na bagyong si Karding.
Samantala, ang PCIC ay korporasyon na pagmamay-ari at kontrolado ng Pamahalaan na nakalakip sa Department of Agriculture o DA na nagbibigay ng sigurong proteksyon sa mga magsasaka o prodyuser ng agrikultura laban sa mga pagkalugi na dulot ng kalamidad, mga sakit at mga infestastion ng halaman.
