Matapos ang ipinatupad na taas-presyo sa mga produktong petrolyo – abiso naman sa mga konsyumer dahil epektibo ngayong araw, magtataas na rin ang presyo ng mga LPG.
Sa Petron – magdaragdag ng P11.20 ang kada kilo ng kanilang LPG, habang may dagdag naman na P6.25 ang kada litro ng kanilang AutoLPG.
Mayroon ding umentong P11.18 sa kada kilo ng mga Solane-branded LPGs.
May dagdag naman na P11.20 sa kada kilo ng Phoenix SuperLPG; at P6.25 din na umento sa kada litro ng kanilang AutoLPG.
Sa CleanFuel naman, magdaragdag din sila ng P5.50 sa kada litro ng AutoLPG.
#
