Pabor ang Employers Confederation of the Philippines sa four-day work week, sa kondisyong hindi ito compulsory at pansamantalang arrangement lang.
Ayon kay ECOP president Sergio Ortiz-Luis, kung gagawin kasing permanente ang 4-day work week, ito ay magiging disadvantageous para sa mga manggagawa.
Paliwang ni Ortiz-Luis, na batay sa international conventions kung saan signatory ang Pilipinas, nakasaad na standard working hours ay walong oras lang, at kapag mas mataas na rito, maraming pag-aaral ang nagsasabi may physical danger.

Dagdag nito, nasubok na rin umano ito ngayong pandemya na ang mga heath workers ay nagtatrabaho ng mahigit walong oras, kung saan ang iba ay nagkakaroon ng depresyon.
Mababatid na iminungkahi ng NEDA chief ang 4-day work scheme sa gitna ng tumataas na presyo ng lana. //MHEL PACIA-TRINIDAD