Early registration para sa public Kinder, Grades 1, 7, 11, magsisimula sa March 25, 2022

Magsisimula na sa March 25 ang early registration para sa public primary at secondary schools para sa School Year 2022-2023, at magtatapos sa April 30, 2022.

Ayon sa Department of Education, ang month-long registration period ay magbibigay sa departamento ng panahon para makapaghandaan para sa posibleng issues at concerns.

Read More:  Legarda pushes ₱10,000 internship allowance for students

Dagdag ni Education Secretary Leonor Briones, na ang mga incoming Grades 2 hanggang 6, Grades 8 hanggang 10, at Grade 12 students ay ikinokonsiderang pre-registered at hindi na kailangan makilahok sa early registration.

Read More:  Supreme Court asks Sotto to explain remarks on VP Sara impeachment ruling

Sa gitna nito, hinimok ni Briones ang mga private schools na magsagawa ng kanilang registration activities sa parehong timeframe.

Samantala, pinaalalahanan ng Deped ang mga paaralan at ang publiko na sumunod sa mga protocols laban sa COVID-19 transmission sa early registration activity. //MHEL PACIA-TRINIDAD